Saturday, December 09, 2006 @
9:54 AM
**DaRyL...**$BlogItemTitle$>
^*i hope this wouldn't ruin everything...*^
Myspace
Daryl,
Honestly… hindi ko naman talaga naisip na gawin ‘to… wala ‘kong kabalak-balak… until someone inspired me. Humanga nga ko sa bravery nung girl na ‘yon eh, na sinabi ‘yung feelings niya towards her ex. Kaya sabi ko, kung siya nagawa ‘yon, siguro… siguro lang naman… magagawa ko rin, sa kapal ba naman ng mukha ko eh!
Anyway. Kidding aside. Tinatanong ko rin ang sarili ko kung ano ba ‘tong kabaduyang naisip ko at may paganito-ganito pa ‘ko ngayon [and I’m sure ‘di ka sanay…]. Ewan. Bahala na.
Daryl, I want to do this bago mahuli ang lahat. Oh, I know… super huli na nga pero gusto ko lang magpakatotoo ‘di lang sa’yo kundi sa sarili ko. Gusto ko lang malaman mo na… I waited. Patiently. Sa call mo. Ginawa ko ‘yon dahil marami akong dapat ipagtapat sa’yo… but since alam kong you have your own life, “dapat mong unahin ang sarili mo”, “bata ka pa”, at “mag-aaral ka muna”, hindi na kita pakikialaman… lahat naman ng tao, my FREE WILL ‘di ba?
Daryl, ‘di ko naman expected na magkakaroon pala ‘kong feelings? sa’yo. No, it’s not the “good friends” relationship na sinasabi mo, it’s more than that. Ni hindi ko nga alam kung pa’no nangyari ‘yon. I was so obsessed [and in love] with Raph when you said you liked me, napunta ka pa kay Merlyn [na ayos lang naman sa’kin noon kasi “kaibigan” pa kita] na naging MU siguro. Basta! Sana ‘no? di na lang ulit tayo nagkita-kita no’n sa SM para wala ng aberya sa mga buhay natin. Pa’no kaya nangyaring ang tagal nating ‘di nagkita, tapos, nung nangyari ‘yun… na-realize ko’ng lahat? Siguro nga no’n pa nga ‘ko may gusto sa’yo… iniisip ko lang na hindi ka mawawala kaya tin-ake for granted kita. I guess that’s life… nasa huli ang mga “sayang”.
I’d say na marami akong pinagsisisihan sa mga pinaggagagawa ko. And I’m really, really sorry. Umalis ako ng St. Jude and matagal tayong ‘di nagkita, ‘di kita inisip, ‘di kita pinahalagahan… puro si Raph na lang, at ngayon nga, ‘di ko nasabi sa’yo ng personal lahat ng ‘to. Ang hirap I-express Daryl eh! Mukhang insincere kasi ako lagi… alam mo na… sanay kang nagjojoke ako… this time it’s for real. Wala na talagang halong lokohan.
Hey, I’d still wait for your call. Kung ayaw mo, it’s your prerogative… mahirap umasa eh… Pero let me know kung nabasa mo na ‘to. As of now, pinipilit ko’ng kalimutan na lang lahat ‘to… for you… for both of us. I presume you’re happy now… and I’m happy for you.
Sana we’ll remain “good friends”… ‘til never, Daryl.